Michael Rodriguez

HANGGANG KAIBIGAN LANG


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Kamusta ka
Huwag kang mag-alala
Hindi mo kailangang sagutin
Ayoko rin na iyong marinig
Ang puso kong sinisigaw
Na balang araw ay ikaw
Ang aking makasama
Sa bawat umaga

Ngunit alam ko na hindi rin maaari
Aking nadarama sayo'y suntok sa buwan
Hanggang panaginip nga lang ba ako ang hari ng iyong puso
Pag-gising ko'y hanggang kaibigan lang

Umaga na naman
Handa na ang aking puso na ikaw ay masilayan
Ang iyong ganda
Mga munting sulyap na lihim
Ang katumbas nito sa akin ay mundo oh

Sana balang araw ay ikaw
Ang aking makasama
Sa bawat umaga

Ngunit alam ko na hindi rin maaari
Aking nadarama sayo'y suntok sa buwan
Hanggang panaginip nga lang ba ako ang hari ng iyong puso
Pag-gising ko hanggang kaibigan lang

Asahan mong ako ay narito
Makikinig kasama mo
Hindi ko bibitawan sinumpaang pagkakaibigan
Sumisigaw ang puso ko sayo
Subalit tatahimik lang ako

Dahil alam ko na hindi rin maaari
Aking nadarama sayo'y suntok sa buwan
Hanggang panaginip nga lang ba ako ang hari ng iyong puso
Pag-gising ko hanggang kaibigan lang

Hanggang kaibigan lang
Hanggang kaibigan lang
Hanggang kaibigan lang
Hanggang kaibigan lang